
👋 Oi, mga repapips, Brian Dys here! I love music, photography, and creative stuff like UX design and art. This is a place where I collect my thoughts and works. Apart all these, I’m Jaycelle’s better half and Bryce’s dad. 🥰
Alam mo ba kung gaano ko kagustong makita ka? Ganito:
Ang sakit ng ginawa mo. Pinagmukha mo akong tanga. Gusto kong suntukin ang sarili ko.
Line from a Pinoy movie
Mahal ko siya. Wala akong pakialam sa nararamdaman niya. Ang alam ko ay iyong nararamdaman ko. Nandito siya sa puso ko. Pag inalis mo siya, para mo na ring inalis ang puso ko.
Line from a Pinoy movie
Sumakay kami sa owner-type jeep ng kabarkada ko at lumibot sa bayan. Salat kami sa salapi at sa paligid ay nag-uumapaw ng kayamanan sa mga tindahan.
Dala-dala ko ang isang maliit na kahon ng mga lobo. Maraming kulay. Mapulbos. Ito ang ginagamit ng mga payaso sa pagpapatawa sa kaarawan ng mga batang may-kaya.
Sinabi ko kay Gregor, na siyang drayber namin, at kay Bulik na suotin ang tatlong magkakaibang kulay ng lobo sa kaliwang mga daliri namin. Ito ang magsisilbing proteksyon habang kikikilan namin ang mga tindahan sa kahabaan ng palengke.
Para kang botelya ng mineral water na gugulung-gulong sa bawat pagpreno at pag-abante ng bus.
Alam kong marami ka ng nadaanan kaya’t niyapakan kita nang marahan nang maramdaman kong tumama ka sa aking paanan.
Naisip ko na ring sipain ka patungo sa kabilang silya ngunit natakot akong baka may lolang madulas sa’yo.
Isang malutong na tunog ang kumalat sa loob ng bus.
Niyupi kita nang matahimik ka na lang sa isang sulok.
Nasan na ba sila ngayon?
Ang dilim dito. Doon tayo sa ilalim ng poste.
Wala ng nagdadaan. Hatinggabi na.
Hahaplusin ko sana ang buhok mo tapos iiwas ka lang, pero biglang mong hinaplos yung kuting na nagdaan.
Ayaw ata sayo e.
Kumaripas ng takbo si kuting.
Pustahan galing yan sa paghahalukay sa mga basurahan.
Hilig kong sumagot ng krosword puzzles. Kaso wala akong matapos-tapos. Siksikan dito sa MRT. Magsusuot nga ako ng roller skates at tuloy-tuloy na ako sa loob dahil maraming tutulak sa akin. Etong bolpen na gamit ko e yung libre mula sa Metrobank. Nagtatae empre. Pero gamit to ng lola ko pag nagsusulat sya – ala reseta ng doktor.
Teka muna. Paraanin nyo muna yung mga lalabas. Arekup! Pwede ka bang umusod dun (parang awa mo na.. late na late na ako.. o ayaw ko lang tumae sa palikuran ng MRT). Sa hotel masarap magbawas. Pers klas, kumpleto sa gamit. Konbinyente, para kang hari sa trono. Para ka ring nagdedeposito sa Metrobank.
Sinusuklay ko ang laruang ostrich na kulay dilaw.. na parang manika. O parang anak ko. Puno na rin kasi ng alikabok ng EDSA. Kaya bago ko sila ihalera sa bangketa, kelangan pulido ang mga balahibo para mabenta. Ganito ko pinapahalagahan ang aking mga alaga. Gabing-gabi na rin pero marami pang tao. Biruin mo, maghahating-gabi na ang saya-saya pa rin ng paligid. Ang diprensya nga lang, pauwi na lahat ng taong nagdaraan rito. Tanaw ko ang Ilog Pasig at naaalala ko ang pamamangka namin ni nanay nung araw. Nasa bayong ng Metrobank ang mga pinamili naming gulay. Masaya, masarap.. ang lamig ng simoy ng hangin.
Ibebenta ko kuno sa ukay-ukay ang mga ito. Stuffed toys. Kelangan isulat ko sa ibabaw ng kahon na todo-selyado para hindi na buksan ng guwardya sa MRT. Bago ako umuwi sa amin dumaan muna ako sa sabungan. Doon ko naiwan ang kahon at buti na lang walang kumuha. Heto ang radyo ng gwardiya sa Metrobank, tri o klak habit ang programa.
Dalawa kaming uragon dito sa dorm. Sya suicidal na nerd. Ako simpleng sawi sa pag-ibig. May tanghalan sa bayan. Puro kabataan na kasing-edaran namin. May pasayaw ata ang Meyor. Eto si Kulas, gumawa ng dinamita. Dinala namin to sa bayan. Nakaka-ilang bote na rin kami ng Red Horse. Ewan ko, basta dun kami sa gitna ng sayawan at magpapasabog.