
👋 Oi, mga repapips, Brian Dys here! I love music, photography, and creative stuff like UX design and art. This is a place where I collect my thoughts and works. Apart all these, I’m Jaycelle’s better half and Bryce’s dad. 🥰
c. 1989
Bakit ang mga pinsan ko, pinapayagan ng nanay nila na maligo sa ulan, ako, hindi.
Dumungaw na lang ako sa bintana habang pinapanood ko silang naglalaro sa bakuran namin habang malamig ang buhos ng ulan.
Tinabihan ako ng nanay ko at kinumusta. Malungkot na mukha lang ang isinagot ko sa kanya.
Kumukulog, kumikidlat. Hinatak ako ng nanay ko para yumuko sa ilalim ng mesa. Nakita ko ang dila ng kidlat na bumungad sa bintana na kanina kong kinaroroonan.
Commenting is disabled.
c. 1987
Tag-ulan. Tag-hirap kami. Nasanay ako na taun-taon ay ibinibili ako ng mga magulang ko ng bagong sapatos para sa pasukan. Ngunit noong darating na pasukan ay lumang sapatos ko pa rin ang aking gagamitin. Nakanganga na nga at gusto akong belatan.
Isang umagang malakas ang buhos ng ulan. Kumuha si mama ng dalawang plastik na supot at isinuot sa paa ko pagkatapos ng medyas. Nilagyan ng goma para hindi maalis. Isinuot ang sapatos. Para daw hindi mabasa ang medyas ko sa basa ng ulan. Nakangangang sapatos, lululon ng tubig-baha.
Okei lang sa akin. Kahit pala para akong pulubi noon, wala akong pakialam sa mga kaklase ko noong grade 1.
—
From parlorgel.blogspot.com
A Stormy Sky Documentaries is a collection of images — moving & unmoving — from Manila, Philippines. Words, like cupped palms, mold pictures into stories. Curated by Brian Dys Sahagun — manipulator and garbage collector. Proud pinoy.
Commenting is disabled.
I saw a white butterfly resting against a white Virgin Mary glass. They were illuminated by white light. You were the sudden image I saw that Saturday evening.
—
Originally published in Happy Obituary 2006.
Commenting is disabled.
“Nay, pabili nga ng Virgin Red.”
“O, isang Virgin daw o.”
Hindi ko na makumpara ang pinagkaiba ng isang seksi mula sa isang birhen. Basta uhaw ako.
—
Originally published in Happy Obituary 2005.
Commenting is disabled.
As I reached the steps of the footbridge in Philcoa, these kids emerged. What were they dreaming of? Fried chicken?
—
Originally published in Happy Obituary 2006.
Commenting is disabled.