
👋 Oi, mga repapips, Brian Dys here! I love music, photography, and creative stuff like UX design and art. This is a place where I collect my thoughts and works. Apart all these, I’m Jaycelle’s better half and Bryce’s dad. 🥰
Umaga. Ayoko pang magtrabaho kaya lumagi muna ako sa tindahan. Gabi. Nakipagpustahan si Tikling na iinumin ang isang baso ng beer dire-diretso. Talo siya.
—
Originally published in Happy Obituary 2006.
Commenting is disabled.
Payapa pa rin ang araw. Nasa bakasyon pa siguro ang mga tao. Walang gaanong nagbago sa paligid.
—
Originally published in Happy Obituary 2006.
Commenting is disabled.
Masaya ang simula ng taon. Kasama namin ang buong pamilya. Karamihan sa kanila ay mga babae kaya naglaro sila ng baraha kasama ng mga bata.
Kinaumagahan, nagtungo ako sa Samonte Park. Kumuha ako ng larawan ng unang pagsikat ng araw sa taong ito. Bakas pa ang mga kalat ng paputok noong nakaraang gabi at kakaunti pa lang ang mga tao sa parke.
—
Originally published in Happy Obituary 2006.
Commenting is disabled.
Maniniwala ka ba na sa tuwing ipapaalala mo sa akin ang hapon na ating pinagdaanan ay natutunaw ako? Sa lamig at sa lungkot. Ikaw na lamang ang palagiang dahilan ng aking pagbagsak. Sa mga panahong pakiramdam ko ay handa na akong humarap at iwanan ang nakalipas, susulpot ka na naman. Hatid-hatid mo ang mga pahapyaw na sulyap na hindi ko naman maaninag kung ito ay matalas o nangingilid-ngilid din sa luha. Puwede bang tigilan mo na ang pahirap na ipinapataw mo sa akin? O sa Diosa ng Pag-ibig ko ba dapat hilingin ito?
Hanggang sa ngayon hindi ko maalaman kung ano ba talaga ako sa iyo. Ako ba ay isang panaginip lamang na kaaya-ayang panatilihin sa isipan? Isang kaibigang kaluluwa? Mas mabuti pang hayaan na lang natin ang lobo kong anyo sa iyo. Hinding-hindi natin matatapos ang mga bagay na ating sinimulan noong isang marikit na araw na itinadhana. Magwawakas na lamang ang lahat sa pamamagitan ng paglimot. Ngunit sa dapit-hapon ay iisipin ko kung ano kaya ang nangyari kung sakaling tinungo nga kita sa kabilang dulo ng mundo at doo’y lumuha sa iyong harapan.
Ang pag-asa na inaasam-asam ko sa mga panahong ito ay ipinagkakait pati ng Dios sa akin. Ngayong gabi ako magpapatiwakal upang sa gayon, magkaroon ako ng pagkakataon na mabuhay muli.
—
From Happy Obituary 2005
Commenting is disabled.
Hindi na ako bumangon. Kahit alas sais pa lamang ng umaga, alam ko na uulan maya-maya lang. Sa hilaga ay kitang-kita ang mga ulap at sa likod nila ay ang asul ng umagang kalangitan. Sa silangan ay parating na ang simbakol ng tag-ulan. Kukuha sana ako ng larawan ng pagsikat ng araw sa parke. Ngunit ito ay nasa silanganan.
Pagkatapos sana noon ay tutungo ako sa palengke upang maghanap ng mga matatandang mukha na magandang ilarawan. Ngunit paano ko gagawin ang mga ito kahit sumikat na ang araw kung bihag ako ng aking sarili?
Nakatanga lang ako rito at humihiling na may kasamang lumusob. May mga panahon na kailangang harapin ang mga bagay nang nag-iisa.
—
From Happy Obituary 2005
Commenting is disabled.
Walang akong makitang kahulugan sa apat na sulok ng aking kuwarto. Walang laman kung hindi alikabok at sinag ng umagang araw. Kahit naroroon ako, wala pa ring laman.
Dito ko kailangan simulan muli ang direksyon ng aking buhay. Sa kuwarto na kung saan ako natutong mag-gitara. Sa kuwarto na kung saan ko tinambak ang mga litrato ng buong angkan namin. Sa kuwarto na nakakita ng pagkabasag at pagkabuo ng aking katinuan.
Uumpisahan ko sa pamamagitan ng isang-minutong dasal at sa pagdilat ko ay bago na ang lahat. Parang isang tao na binautismuhan ni Jesus sa kumukulong asupre.
—
From Happy Obituary 2005
Commenting is disabled.