
👋 Oi, mga repapips, Brian Dys here! I love music, photography, and creative stuff like UX design and art. This is a place where I collect my thoughts and works. Apart all these, I’m Jaycelle’s better half and Bryce’s dad. 🥰
Matagal na nawalay si Nena sa kanyang ina. Naglayas siya noong dose anyos pa lamang siya. Doon siya lumaki kina Tiya Choleng. Makalipas ang limang taon, naririto na si Nena sa bahay na kung saan siya isinilang. Lungkot lang ang bumalot sa kanya. Tahimik at madilim ang loob ng bahay. Walang gaanong pinagbago.
Sukbit-sukbit pa ang backpack na puno ng damit, bumungad sa kanya ang inang halos hindi niya makilala. Papaalis sana si Margarita para mag-mahjong. Napamulagat na lamang siya nang makita ang anak na nakatayo sa pintuan. Tumaba si Margarita. Mistulang isang donya ang postura nito. Tadtad siya ng alahas at napansin din ni Nena na ilang libong pulgada ang nadagdag sa ina.
Pumasok sa eksena si Bantay at kinahulan si Nena. Tumulo ang luha ni Margarita habang hawak ang abaniko.
“Bakit, Ma? Bakit ka lumuluha?”
“Hindi ko kasi naturuan si Bantay na mahalin kang tunay.”
Alam mo ba kung gaano ko kagustong makita ka? Ganito:
Ang sakit ng ginawa mo. Pinagmukha mo akong tanga. Gusto kong suntukin ang sarili ko.
Line from a Pinoy movie
Mahal ko siya. Wala akong pakialam sa nararamdaman niya. Ang alam ko ay iyong nararamdaman ko. Nandito siya sa puso ko. Pag inalis mo siya, para mo na ring inalis ang puso ko.
Line from a Pinoy movie
Sumakay kami sa owner-type jeep ng kabarkada ko at lumibot sa bayan. Salat kami sa salapi at sa paligid ay nag-uumapaw ng kayamanan sa mga tindahan.
Dala-dala ko ang isang maliit na kahon ng mga lobo. Maraming kulay. Mapulbos. Ito ang ginagamit ng mga payaso sa pagpapatawa sa kaarawan ng mga batang may-kaya.
Sinabi ko kay Gregor, na siyang drayber namin, at kay Bulik na suotin ang tatlong magkakaibang kulay ng lobo sa kaliwang mga daliri namin. Ito ang magsisilbing proteksyon habang kikikilan namin ang mga tindahan sa kahabaan ng palengke.
Para kang botelya ng mineral water na gugulung-gulong sa bawat pagpreno at pag-abante ng bus.
Alam kong marami ka ng nadaanan kaya’t niyapakan kita nang marahan nang maramdaman kong tumama ka sa aking paanan.
Naisip ko na ring sipain ka patungo sa kabilang silya ngunit natakot akong baka may lolang madulas sa’yo.
Isang malutong na tunog ang kumalat sa loob ng bus.
Niyupi kita nang matahimik ka na lang sa isang sulok.
Nasan na ba sila ngayon?
Ang dilim dito. Doon tayo sa ilalim ng poste.
Wala ng nagdadaan. Hatinggabi na.
Hahaplusin ko sana ang buhok mo tapos iiwas ka lang, pero biglang mong hinaplos yung kuting na nagdaan.
Ayaw ata sayo e.
Kumaripas ng takbo si kuting.
Pustahan galing yan sa paghahalukay sa mga basurahan.