Rasyon ng Inspirasyon on YouTube
Rasyon ng Inspirasyon on SoundCloud
Just several months after the covid lockdown of 2020, I was already in dire need of hope. While in a life and death, sink and swim situation, a figure appeared on TV who gave me goosebumps that indeed I can rely on the government that we, as Filipinos, got it together. A “we’re figuring it out” response was just what I needed.
What kind of Philippines do I want for myself and for my family? A country that stands for human rights. A country that stands for fairness and justice. A country that stands for accountability. A country that inspires hope that in order to have a better life, we need to be better with ourselves, and with one another. A holistic approach.
Thank you, Leni, for inspiring us to hope for a better now and future. That inspiration is the intrinsic spark of your vice-presidency and presidential campaign run.
Rasyon ng Inspirasyon on Spotify Podcast
Rasyon ng Inspirasyon Podcast Transcript
Naaalala niyo pa ba nung magsimula ang covid lockdown dito sa Manila? On-going pa noon ang ashfall mula sa Taal volcano, kaya mag stock na kami ng masks. Magkasunod na pagsubok bumagsak sa ating lahat. Makalipas ang ilang buwan tsaka ko naramdaman ang kawalan ng pag-asa. Pakiramdam ko parang bangkang may butas ang ating bansa pagdating sa pandemic response. Isang araw, lumabas sa TV si Leni at nagpahayag ng mensahe ng pag-asa. Literal na tumindig ang balahibo ko dahil tsaka ko lang na-realize na pwede pala akong kumapit sa gobyerno.
Ito sa harapan ko ang isang tao na nakatayo sa gitna ng kaguluhan, nagsasabi na ito ang mga pwede nating gawin para ‘di tayo maglugmok ng epekto ng pandemya — sa kalusugan at ekonomiya. Salita lang ang mga ‘yon pero napakalaking bagay para sa akin na maging matatag at harapin ang takot.
Anong klaseng Pilipinas ang gusto ko para sa sarili at para sa pamilya ko? Pilipinas na nagpapahalaga sa buhay at karapatang pantao. Isang bansang makatarungan at patas. Isang bansang pinamumunuan ng mga tao na responsable sa kanilang mga tungkulin sa bayan. At higit sa lahat, isang bansa na nangingibabaw ang pag-asa. Pag-asa ang gas at langis natin upang bumangon at magpatuloy, upang maging mabuti unang-una sa ating sarili at sa isa’t-isa. Sa pamamagitan ng pag-asa tayo yayabong.
Nagpapasalamat ako sa’yo, Leni, dahil para sa akin naipakita mo kung ano ang posible para sa isang pinuno. Ang pagiging matino at pagbibigay ng inspirasyon at pag-asa.
Para sa inspirasyon na dulot mo ang kantang ito. May mga ilang salita akong naisulat na nagsisilbing pundasyon ng gusto kong sabihin sa kanta:
Tuloy-tuloy lang
Huwag pigilan
Ang pagbuhos ng rasyon ng inspirasyon
Tindig-balahibo
Solusyon
May pag-asa
May takdang araw
May araw-araw
Ang mismong eleksyon, isang araw. Ang buhay natin, araw-araw.
Lahat tayong mga Pilipino ay nasa iisang bansa. Nasa iisang bangka. Magkakaiba tayo at magkakasama tayo. Isang matapat na pamumuno ang pinanghahawakan natin para patuloy tayo sa paglayag.
[ntt_percept page=”music/rasyon-ng-inspirasyon-chords”]
Leave a Reply