Para kang botelya ng mineral water na gugulung-gulong sa bawat pagpreno at pag-abante ng bus.
Alam kong marami ka ng nadaanan kaya’t niyapakan kita nang marahan nang maramdaman kong tumama ka sa aking paanan.
Naisip ko na ring sipain ka patungo sa kabilang silya ngunit natakot akong baka may lolang madulas sa’yo.
Isang malutong na tunog ang kumalat sa loob ng bus.
Niyupi kita nang matahimik ka na lang sa isang sulok.
Leave a Reply