Category: The Ride

  • E

    Nasan na ba sila ngayon? Ang dilim dito. Doon tayo sa ilalim ng poste. Wala ng nagdadaan. Hatinggabi na. Hahaplusin ko sana ang buhok mo tapos iiwas ka lang, pero biglang mong hinaplos yung kuting na nagdaan. Ayaw ata sayo e. Kumaripas ng takbo si kuting. Pustahan galing yan sa paghahalukay sa mga basurahan.

  • Baul Series – Sa Pagkapurnada

    Hilig kong sumagot ng krosword puzzles. Kaso wala akong matapos-tapos. Siksikan dito sa MRT. Magsusuot nga ako ng roller skates at tuloy-tuloy na ako sa loob dahil maraming tutulak sa akin. Etong bolpen na gamit ko e yung libre mula sa Metrobank. Nagtatae empre. Pero gamit to ng lola ko pag nagsusulat sya – ala…

  • Ang Buhay At Tetris

    Ang buhay nga naman.. parang Tetris. Minsan, kailangan mong tumingin sa malayo upang maayos mong mailapat ang pangkasalukuyan. At sa di malamang dahilan, ang mga dumarating na bagay sa ating buhay ay may kanya-kanyang dapat kalagyan. Sa oras na magkamali ka, may katampatang pagkakataon lamang na ayusin ang mga ito. Ngunit ang buhay ay hindi…

  • Ang Aking Pinsan

    Heto ang pinsan ko. Inimbita ko para sa isang salu-salo kasama ang apat na bote ng beer at piniritong patatas. Para pala akong kumuha ng bato o bote na ipupukpok ko sa ulo ko. Segwey. Ang pinsan ko ay nasiraan ng ulo. Iniwan siya ng asawa niya at nagpunta sa Amerika. Siya naman, sa sobrang…

  • Si Ivee Sa Dubai

    Ilang taon ko na ring hindi nakakausap si Ivee simula nang magpunta siya sa Dubai para magtrabaho. Bumalik ang ala-ala ko sa gabing nagkaroon ng rambulan sa padiskuhan sa kalsada sa barangay namin. Nakita ko si Ivee na kalmado lang, nakaupo, mag-isa sa mesang puno ng beer. Habang ang lahat ay nagkakagulo, nagtutulakan, sinisira ang…

  • Estudyanteng Pulubi

    c. 1987 Tag-ulan. Tag-hirap kami. Nasanay ako na taun-taon ay ibinibili ako ng mga magulang ko ng bagong sapatos para sa pasukan. Ngunit noong darating na pasukan ay lumang sapatos ko pa rin ang aking gagamitin. Nakanganga na nga at gusto akong belatan. Isang umagang malakas ang buhos ng ulan. Kumuha si mama ng dalawang…

  • Eh Kasi Bata

    c. 1992 Dumalo ako sa kaarawan ng aking pinsang magpi-pitong taong gulang. Naka-fairy costume siya noon at may magic wand pa. Sa kaliwa’t-kanan niya ang mga alagad na mga bagets din na nakaporma. Sasayaw sila bilang isang malaking handog para sa mga imbitado. “E Kasi Bata” ang saliw na musika. Naaalala ko pa kung paano…

  • Takip-Kuhol

    c. 1989 Kumatok isang araw ang dalawang bata sa gate namin. Humihingi ng takip-kuhol. Isang klase ng halaman na pinapakuluan ang dahon para maging inumin ng matatanda. Pangpagaling daw ito ng sari-saring karamdaman. ‘Yung isang batang lalake ay si Riban at ‘yung kasama niyang batang babae na tila tibo ay hindi na nagsalita kaya hindi…

  • Imbisibol Wrestling Tali

    c. 1992 Tumakbu-takbo si Ian sa HELE subject namin. Tingin niya siguro wrestling ring ang klasrum. Nagpatalbog-talbog mula dulo pabalik. Napabarandal ang kanang kamay niya sa pakong nakausli sa pader. Ngalngal siya. Tawanan kami.

  • Payong Kaibigan

    c. 2006 Okey lang namn na may gerlpren basta marunong kang magdala; tiyak na magkakasundo kayo. Kung gusto mo ng long time relationship, dapat hahabaan ang pasensya at maging understanding. Higit sa lahat, ipakita mo ang tunay na nadarama mo sa kanya. Ibig kong sabihin ay ‘yung pagmamahal mo sa kanya.